
LOST AND FOUND SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS, COLLEGE OF COMMERCE AND BUSINESS ADMINISTRATION
I. Introduksyon
A. Panukalang Pahayag
Hindi binibigyang-halaga ng mga namamahala ang “Lost and Found” sa Kolehiyo ng Komersyo sa Unibersidad ng Santo Tomas.
B. Paglalahad ng Suliranin
• Anong klaseng gamit ang madalas naiiwan?
• Saan madalas na nakikita ang naiiwang gamit?
• Sinu-sino ang madalas na nagdadala ng naiwang gamit sa “Lost and Found”?
• Paano pinapangalagaan ang mga gamit na ito?
• Saan napupunta ang mga gamit na hindi na hinahanap o kinuha ng may-ari?
• Ano ang batayan ng mga nagbabantay sa lost and found section upang malaman kung talagang ang taong may-ari ang kumukuha ng naiwang gamit?
• Anong paraan ang ginagawa ng mga nagbabantay sa lost and found section sa mga gamit na walang pangalan?
C . Rebyu/ Pag-aaral
Wala po makuha na aklat ang grupo tungkol sa paksa namin. Kaya kami ang unang gumawa ng pananaliksik tungkol sa “Lost and Found” na mga gamit sa UST, College of Commerce and Business Administration.
D . Layunin
Ang mga layunin ng mga mananaliksik ay magbigay ng kaalaman tungkol sa “Lost and Found.” At upang masagot ang mga tanong na nabanggit sa paglalahad ng suliranin. Isa pang layunin nito ay ang pagbibigay linaw sa tunay na halaga ng mga nawawalang gamit. At ang huling layunin ng pananaliksik na ito ay upang ipaalam ang mga maling pamamahala ng mga namamahala sa “Lost and Found seksyon.” Sa pamamagitan ng pananaliksik ng grupo nakakatulong ito sa seguridad ng paaralan at sa mga estudyante ng Kolehiyo ng Komersyo.
E. Halaga
Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang malaman kung paano pinamamahalaan ng mga taong namamahala sa “Lost and Found” seksyon at ang mga kagamitan na naiiwan sa loob ng paaralan. Ito rin ay isinagawa upang malaman ang mga madalas na suliranin sa mga namamahala dito. Sa pananaliksik na ito malalaman din ang ginagawa nila sa mga gamit na hindi na kinukuha pa ng mga may-ari. Isa pa sa halaga ng pananaliksik na ito ay upang malaman ng taong namamahala sa “lost and Found” ng Kolehiyo ng Komersyo ng Unibersidad ng Santo Tomas na hindi dapat sinasawalang bahala ang trabaho nila at ang mga gamit na pinapangalagaan nila. Maraming makikinabang sa pananaliksik na isinagawa ng grupo tulad ng mga estudyante na madalas nawawalan ng gamit, ang seguridad ng Kolehiyo ng Komersyo ng Unibersidad ng Santo Tomas, mga estudyante sa iba’t ibang kolehiyo at mga trabahador sa Kolehiyo ng Komersyo ng Unibersidad ng Santo Tomas.
F. Konseptwal na Balangkas.

Ang balangkas ng pananaliksik ay magsisimula ukol sa lost and found at ang mga kagamitan na wawala at mga kagamitan na nahahanap ng mga namamahala sa lost and found area. Dito ipapaliwanag kung anu-ano ang mga impormasyon na binibigay ng mga tagapamahala ng organisasyon sa mga estudyante na nawalan ng kagamitan, ipinapakita ng grupo ang halga ng mga nawawalang gamit na naka tambak sa lost and found seksyon at ipinapakita din ng grupo ang mga kahalagahan ng pagkakaroon ng lost and found area, ang huli pinapakita ng mga mananaliksik ang mga iba’t ibang proseso na ginagawa ng mga namamahala sa lost and found seksyon sa Kolehiyo ng Komersyo sa Unibersidad ng Santo Tomas
G . Metodolohiya
Ang metodolohiya ng ginamit ng buong grupo ay ang pag-iinterview. Sa ibaba makikita ang detalydaong interview na isinagawa ng grupo.
Interviewer: Gretchen P. Palma, Vanessa Grace Y. Valuis, Genevive Z. Cabero
Mga tanong;
1) Sino ang namamahala sa lost and found section? Sinu – sino ang kadalasang nawawalan ng gamit?
2) Anu – ano ang mga karaniwang kagamitan na napupunta sa lost and gound section?
3) Sa tingin niyo, ilang araw o buwan ang lumulipas bago nakukuha ng mga may – ari ang kanyang nawawalang gamit?
4)Anu – ano ang mga proseso ang ginagawa ng mga mamahala sa lost and found section para mapangalagaan ang mga nawawalang gamit?
5) Nagagampanan ba ng mabuti ng mga tagapamahala ng lost and found section ang kanilang trabaho at responsibilidad?
6) Sapat na ba ang paglalagay ng aparador para sa mga nawawalang gamit?
7) Ano pa ba ang ibang paraan na pwedeng gawin upang maipagbigay alam ang tungkol sa lost and found?
8) Mayroon bang karapatan ang mga namamahala ng lost and found section na gamitin ang mga nawawalang gamit ng mga estudyante na hindi na nakukuha sa mabuting paraan katulad ng pagbibigay ng donasyon sa library ng mga libro?
9) Mayroon ba ‘record’ o ‘log book’ ang lost and found section na maaaring nakatulong sa aming pananaliksik?
10) Pwede po bang hiramin ang inyong ‘record’?
Pangalan: Bb. Monica Sophia L. De Leon
Posisyon: Guidance Councelor
Ayon kay Bb. Monica Sophia L. de Leon ang mga namamahala sa seksyon ng lost and found ay yung mga nag tratrabaho sa Dean’s office katulad ng mga student assistant, sekretarya ng Dean atbp. Ang mga madalas niyang nakikita sa aparador ng lost and found ay ang mga sumusuno: mga libro, P.E. uniform, kuwaderno, sapatos; Sa ngayon napapansin niya na kunti nalang ang mga pitakang napupunta sa lost and found seksyon dahil kadalasan may mga pangalan o impormasyon naman ito. Kaya naibabalik ito agad sa may-ari. Tungol naman sa mga gamit na tumatagal sa lost and found seksyon, ayon kay ma’am depende kung agad nalalaman ng may-ari ang nawawalang gamit niya. May sitwasyon din na may mga estudyante na pumunta sa kanya upang magtanong ukol sa kanilang nawawalang gamit, at minsan may mga gamit din na hindi na talaga kinukuha ng may-ari. Ayon rink ay Bb. De Leon ang mga hakbang na ginagawa ng mga namamahala sa lost and found seksyon upang mapangalagaan ang mga gamit ay ang paglalagay ng aparador kung saan makikita ng mga estudyante ang mga gamit na napupunta sa lost and found seksyon at nilalagayan nila ito ng padlock upang masiguro ang seguridad ng mga gamit ng nasa loob nito. Sapalagay ni Bb. De Leon, Oo, nagagampanan ng mga namamahala ang kanilang trabaho kasi hindi naman msyadong matrabaho ang pangangalaga sa lost and found section at ang nais lang naman nila ay masigurado ang seguridad ng mga gamit ng mga estudyante. Para kay Bb. De Leon mahirap daw ang mga gamit na walang identipikasyon, subalit kung may mga impormasyon ang mga gamit mas maganda kung aktibo sila sa pagaanonsyo at pagbibigay sa may-ari ang mga nawawalang gamit at dagdag serbisyo na din ito. Ngunit mas maganda kung gagampanan mismo ng mga estudyante ang kanilang respinsibilidad sa mga gamit nila kaya naniniwala si Bb. De Leon na matagumpay ang paglalagay ng aparador sa lost and found. Ayon kay Bb. De Leon, kapag hindi na kinukuha ng may-ari ang kanyang gamit may karapatan ang mga namamahala ng lost and found na bigyan pansin ang mga gamit na ito at gamitin sa mabuting paraan. Pero depende ito sa sitwasyon at makanismo ng organisasyon at mas maganda din magamit uli ang mga gamit kaysa nabubulok lang ito sa aparador. Sabi ni Bb. De Leon, mayroon daw silang logbook kung saan nakikita ang mga trasaksyon sa lost and found.
Pangalan: Asst. Prof. Jaime B. Nuevo, M.A.
Posisyon: Chairman of Pre-Com Dept.
Ayon kay, G. Jaime B. Nuevo, ang namamahala ng seksyon ng lost and found ay ang opisina ng Dean o di kaya ang ‘Faculty Secretary’ at ang kadalasang nakawawala ng mga gamit ay ang mga ‘freshmen’ o ang mga nasa unang taon pa lang. Ang mga karaniwan gamit naman na nasa aparador ng lost and found ay mga libro, panyo, calculator, atbp. Sa tingin ni G. Nuevo na ang mga gamit na napupunta sa seksyon ng lost and found ay minsan nagtatagal dahil hindi alam ng mga may –ari na nandoon ito sa aparador ng lost and found. At minsan nasa sa ibang kolehiyo ang may-ari ng gamit. Minsan naman hindi pinapansin ng mga estudyante ang mga gamit nila, hindi nila ito pinahahalagahan. Sa tingin ni G. Nuevo na maganda naman ang paglalagay ng aparador na paglalagyan ng mga nawawalang gamit pero mas maganda kung maglalagay ng mga anunsyo sa mga ‘bulletin board’. Sa palagay naman ni G. Nuevo na nagagampanan naman ng mabuti ng mga namamahala ng lost and found ang kanilang trabaho. Kung hindi na kinukuha ng may – ari ang kanyang gamit, sa palagay ni G. Nuevo na may karapatan ang mga namamahala ng lost and found ang mga gamit sa mabuting paraan. Ngunit dapat may mga mekanismo na dapat sundin. Ayon uli kay G. Nuevo, na hindi siya sigurado na may ‘log book’ nga ng mga transaksyon ang lost and found. Pero para sa kanya makakatulong ng malaki ang pagkaroon ng ‘log book’ ang seksyon ng lost and found’. Dahil ang mga impormasyon na nakalap sa bawat transaksyon ay makakatulong na tukuyin ang tunay na may – ari ng gamit.
Pangalan: Ms. Imelda B. Mejia
Posisyon: Janitor
Mga katanungan ng grupo:
1) Ate saan niyo binibigay yung mga gamit na nakikita at napupulit mo?
2) Kilala niyo po ba ang mga namamahala sa “Lost and Found”?
3) Ano ang mga karaniwang gamit na napupunta sa cabinet ng “Lost and Found seksyon?
4) Ano po ang mangyayari sa mga kagamitan sa Lost and Found kapag hindi kinuha ng mga may-ari?
5) Saan po napupunta ang mga pera na naiiwan? Paano kung hindi na ito
binabalikan ng may-ari?
6) Ano po ang mga proseso ang ginagawa niyo kapag kinukuha na ng
may-ari ang kanyang nawawalang gamit?
Sagot:
Ayon kay Bb. Imelda B. Mejia ang mga napupulot o nahahanap niyang gamit ay agad niyang binibigay ito sa opisina ng Dean dahil ayaw naman niya na mapagbintangan siyang magnanakaw at naaawa siya sa may-ari ng gamit. Ang alam ni Bb. Mejia ay ang mga student assistant at ang mga opisyal sa opisina sa Dean ang mga namamahala sa lost and found seksyon. Sa mga na obserbahan ni Bb. Mejia napapansin niya na karaniwang nawawalan ng gamit ay mga estudyante kaya ang mga karaniwang gamit napupunta sa lost and fount seksyon ay mga libro, calculator, atbp. Ayon kay Bb. Mejia ang mga gamit na hindi kinukuha ng may-ari ay nilalagay lang sa aparador at mag hihintay na lamang sila na balang araw kukunin ito ng tunay na may-ari nito. Noon tinanong ng grupo si Bb. Mejisa kung ano po ang mangyayari sa mga kagamitan sa Lost and Found kapag hindi kinuha ng mga may-ari? Ang sinabi niya sa grupo ay hindi niya alam at hindi niya masasagot ang katanongan naming. Sa huling tanong ng mananaliksik sinabi ni Bb. Mejia ang mga proseso na ginagawa ng nila upang maka siguro na ang kumukuha ng gamit ang mismong may-ari na gamit sa pamamagitan ng mga sumusunod: ipinapalarawan nila ang gamit na nais kunin at tinatanong nila ang pangalan ng may-ari o ang kumukuha ng gamit
H . Saklaw / Delimitasyon
Ang pananaliksik namin ay tumatalakay lamang sa kahalagahan ng “Lost and Found” at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng epektibong namamahala dito.
Hindi na saklaw ng aming pananaliksik ang mga dahilan ng pagkawala ng mga gamit na napupunta sa Lost and Found at ang mga estudyanteng nawawalan ng mga gamit.
I . Daloy ng Pag-aaral
Ang unang parte ng pananaliksik ay tungkol sa mga suliranin sa “Lost and Found”. Dito rin makikita ang mga impormasyon na dapat malaman sa Lost and Found. Sa Ikalawang parte naman, dito makikita ang mga nakalap na impormasyon tungkol sa bagay na ito. Dito makikita rin ang mga layunin ng “Lost and Found.” Sa bahaging ito rin nakikita ang mga mananaliksik ng impormasyon sa pamamahala sa Lost and Found. Sa huling bahagi naman makikita ang resulta o ang maikling pagpapaliwanag sa buong pananaliksik. Dito makikita ang mga sagot tungkol sa mga katanungan na konektado sa paksa. Dito rin makikita ang mga mungkahi sa mga taong tuwirang maaapektuhan sa pananaliksik.
II. Lost and Found
A. Mga Nawawalang Gamit
Maraming estudyante ang nakakaiwan ng kanilang mga gamit sa kanilang mga silid-aralan, sa C.R. at sa iba’t-ibang parte o lugar sa paaralan. Ang mga naiiwang gamit ay dinadala sa “Lost and Found” area. Dito maaaring mahanap ng estudyante ang kanyang gamit na hindi nila pag-aari sa loob ng paaralan. Ang sino mang makakita ng mga gamit na hindi nila pag-aari sa loob ng paaralan ay dapat ibigay sa sa opisina ng Dean kung saan makikita mo ang “Lost and Found” area at ang mga namamahala dito.
Ang Lost and Found ay isang lugar kung saan napupunta ang mga nawawalang gamit at dito rin kinukuha ng mga may - ari ang kanilang mga gamit na nawawala. Kadalasan itong nakikita sa paaralan, museo, parke, atbp.
Sa Paris unang nag - organisa ng opisina ng Lost and Found noong 1805. Inutos ni Napoleon sa mga pulis na iponin ang mga gamit na makikita sa kalsada ng Paris. Ito'y nabago noong1893, inutos ni Louis Lepine na hanapin ang mga may - ari ng nawawalang gamit at ibalik ito sa kanila.
Sa kasalukuyan maraming organisasyon na ng Lost and Found ang naitatayo. Katulad ng mga nasa estasyon ng tren, paaralan,atbp.
Maraming gamit sa lost and found area na hindi na kinukuha ng mga may-ari. Ayon sa mga nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik hinahayaan nalang ng mga nagbabantay ang mga gamit sa aparador hanggang may kukuha nito.
Marami na ngayon ang mga reklamo tungkol sa mga nawawalang gamit ng mga estudyante pati ang mananalisik ay nababahala baka mawala rin ang mga kagamitan ng grupo. Pero sa kabutihang palad may lost and found area ang Kolehiyo ng Komersyo sa Unibersidsd ng Santo Tomas na pwedeng paglagyan ng mga nawawalang gamit. At dito pwedeng makita ng mga estudyante kung nandoon ang kanilang nawawalang gamit.
Nais maipakita ng mga mananliksik na ang lahat ng mga nawawalang gamit ay mahalaga at sana pagtuonan ng pansin ng mga namamahala ang organisasyon na “Lost and Found”. Ngunit bilang mga may –ari ng mga nawawalang gamit dapat gampanan din natin ang responsibilidad natin sa mga ito.
Ang Lost and Found ay hindi basta-bastang usapin. Isipin man natin na wala itong silbi nakasalalay pa rin dito ang seguridad ng mga nawawalang gamit at dito makikita kung gaano kaimportante ang seguridad ng isang paaralan. At paano pinapahalagahan ng mga kinauukulan ng Kolehiyo ng Komersyo ng Unibersidad ng Santo Tomas.
III. Hanap Dito, Hanap Doon
Ang Paksa ng pananaliksik ng grupo ay tungkol sa ”Lost and Found.” Dito makikita mo ang gamit na naiiwan ng mga estudyante.
Binabantayan ito ng mga tagapamahala ng Lost and Found kaya gusto ng grupo na ipakita kung binibigyan ba ng importansya ang Lost and Found at halaga ang mga gamit sa Lost and Found. Upang makakuha ang grupo ng impormasyon tungkol dito nag-interbyu ang mga mananaliksik at nagtanong-tanong sa mga namamahala sa Lost and Found.
Ayon sa mga datos na nakuha ng mga mananaliksik mula sa interbyu, napakahalaga na magkaroon ang isang lugar na pwedeng puntahan ng mga tao para magtanong o kumuha ng mga impormasyon tungkol sa mga nawawalang gamit tulad ng Lost and Found area lalong-lalo na ang isang paaralan dahil ito ay isang malaking tulong sa mga estudyante. Hindi na masyadong mag-aalala ang mga estudyante na hindi na matatagpuan ang kanilang mga gamit at hindi na rin sila matataranta. Ngunit hindi maganda kung palagi nalang tayong aasa dito dahil magiging pabaya na tayo. Responsibilidad natin bilang may-ari ng gamit na pangalagaan ng mabuti an gating mga pag-aari.
Ayon sa mga nainterbyu ng mga mananaliksik dahil sa marami ang trabahong ginagawa ng mga namamahala sa Lost and Found sa opisina ng Dean halos hindi matugonan ng maayos ang kanilang pamamalakad ng Lost and Found. Kaya naisip ng grupo na kawawa naman ang mga gamit na nakatambak sa aparador ng Lost and Found. Hindi man lang gumawa ng paraan para maibalik ito sa may-ari o kaya magkaroon man lang ito ng silbi.
Kongklusyon
Ayon sa mga datos na nakalap ng grupo, sumasang- ayon ito sa aming panukalang pahayag na “Hindi binibigyang halaga ng mga namamahala ang “Lost and Found” sa Kolehiyo ng Komeresyo ng Unibersidad ng Santo Tomas.” Kahit gaano man karami ang mga responsibilidad na hinahawakan nila. Sana pansinin naman ng mga opisyal ang seksyon ng Lost and Found kahit maliit na bagay lang ito. Malaki pa rin ang naiitutulong nito. Ayon din sa datos na nakuha ng mga mananaliksik, hindi man lang gumawa ng iba’t iba pang proseso o paraan upang mapagbuti ng mga namamahala ang kanilang serbisyo.
Rekomendasyon
Ang mga rekomendasyon ng grupo sa mga namamahala sa “Lost and Found” ay ang mga sumusunod:
• Dapat madaling lapitan ang mga tagapamahala ng Lost and Found.
• Gawing kapakipakinabang ang mga gamit na napatunayang hindi na talaga kuunin ng may-ari.
• Hindi dapat pinapawalang-bahala ang Departamento ng Lost and Found.
• Dapat maaasahan ang mga tagapamahala ng Lost and Found.
• Ang mga kagamitan ay dapat pangalanan ng mabuti.
• Dapat laging may nagbabantay sa “Lost and Found” upang may matatanungan ang mga estudyante tungkol sa nawawala niyang gamit.
• Mas mabuti kung ipapaalala sa mga estudyante kung ano ang mga nakuha nilang mahahalagang bahay sa pamamagitan ng pag-aanunsyo.
PASASALAMAT
Nais po magpasalamat ng mga mananaliksik sa mga tumulong sa pananaliksik na ito. Una-unang ang Poong Maykapal na siyang gumabay sa mga mananliksik sa paggawa ng proyektong ito. Pinsasalamatan din ng mga mananliksik si Bb. Beverly Siy na siyang walang sawang nagturo ng mga pamamaraan sa tamang pananaliksik at pag-gabay. Nagpapasalamat din ang mga mananaliksik kina Asst. Prof. Jaime B. Nuevo, M.A., Bb. Monica Sophia L. De Leon at Bb. Imelda B. Mejia na siyang sumagot sa aming mga katanungan ukol sa pamamahala ng Kolehiyo ng Komersyo ng Unibersidad ng Santo Tomas sa "LOST AND FOUND section". Pinasasalamatan din ng mga mananliksik ang kanilang mga magulang na siyang nagbigay suporta at pangtustos sa pananaliksik sa ito. Ang panghuli ay ang pagpapasalamat ng mga mananaliksik sa kanilang mga kamag- aral na siya ring tumulong at nagbigay ng impormasyon para sa kanilang pananaliksik.
MGA MIYEMBRO NG GRUPO:
GRETCHEN P. PALMA
VANESSA GRACE Y. VALUIS
GENEVIVE Z. CABERO
MONIQUE V. TAMAYO
PETER JOHN A. PAREL
1 – LAM
Ikalawang Semestre
SY. 2008 – 2009